(Kabacan, North Cotabato/ September 2, 2014)
---Bagama’t pasado na sa isinagawang public hearing ang dagdag singil na P1.00,
hindi pa maaring makasingil ngayon ang mga tricycle draybers at operators.
Ito dahil sa di pa dumaan sa tatlo at huling
pagbasa ang nasabing panukala.
Ayon sa sangguniang bayan, epektibo ang
paniningil ng mga ito sampung araw matapos na maaprubahan sa Sanggunian ang
nasabing petisyon.
Pero nilinaw naman ni Municipal Treasurer
Prescilla Quiñones kahit pa aprubado na sa third at final reading ng sanggunian
ang nasabing panukala na hanggat walang bagong taripa ang mga tricycle drayber
bawal pa rin silang maningil ng dagdag na isang piso.
Sa panig naman ng mga tricycle draybers umaapela
ang mga ito na kung maari ay palawigin pa ng dalawang taon ang pagbabayad nla
ng tariffa na P225 at P25 na ID.
Pero iginiit ni Quiñones, na nakasaad sa batas na bawal ang mga ito na maningil ng
P8.00 na dagdag pasahe kung walang mga bagong tariffa ang mga ito.
Napagkasunduan
din na dapat ay ipatupad ng mga draybers ang 20% discount sa mga Senior Citizen
at Person’s with Disability at kasama na dito ang mga estudyante.
Ibigsabihin nito, kung ipapatupad ang 20%
discount na pamasahe sa mga nabanggit dapat ay P6.40 lamang ang kanilang
sisingilin batay sa batas.
Maiinit ding pinagtatalunan sa nasabing
public hearing ay ang rutang sakop ng Route 1-A-1 ito yung rutang sakop ng
sikad lahat ng puroks sa Poblacion, USM Avenue, Osias, Kayaga, Liton at
Malabuaya at hanggang sa hangganan nito.
Samantala sakop naman ng Route 1-A ang
Poblacion mula sa Kabacan Public Market hanggang sa USM Compound at USM Housing
at Vice Versa, ito yung ruta ng mga tricycle. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento