(Kabacan, Cotabato/ September 3, 2014) ---Nagpapatuloy
pa ngayon ang ginagawang validation ng pamunuan ng Municipal Social Welfare and
Development Office o MSWDO Kabacan sa mga lugar na sinalanta ng pagbabaha.
Ayon kay MSWDO Head Susan Macalipat sa
panayam ng DXVL News abot na sa 2,903 na pamilya ang naapektuhan ng pagbabaha o
katumbas sa 14,515 na mga indibidual buhat sa siyam na mga barangay na niragasa
ng baha simula pa nitong nakaraang linggo.
Posibleng padadagdagan pa ang nasabing
bilang dahil sa patuloy pang dumarating ang reports mula sa mga barangay.
Ipinaliwanag naman ng opisyal kung bakit
hindi agad nakapagbigay ng ayuda ang pamahalaang Lokal, ito dahil sa may
prosesong sinusunod dito.
Giit pa ni Macalipat na sa panahon ng
kalimidad lahat ng mga reports ay dapat manggagaling sa barangay at noted ng
kanilang punong barangay.
Dapat sa lebel din ng barangay mauna na
silang magbigay ng tulong sa mga residente naapektuhan ng anumang kalamidad, at
kukunin ang pondo mula sa Barangay Disaster Fund, ayon pa kay Macalipat.
Kaugnay nito, posibleng ngayong araw pa
makapagbigay ng tulong ang LGU matapos ang ginawang assessment at emergency
meeting na ipinatawag ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.
Dahil dito, planung isailalim sa State of
Calamity ang bayan ng Kabacan para maipalabas ang pondo pantulong sa mga
nabiktima ng nakaraang pagbabaha sa bayan ng Kabacan.
Posibleng magdeklara ng state of Calamity
bukas ang Sangguniang bayan ng Kabacan batay naman doon sa report na isusumite
ng Municipal Disaster Risk Reduction Council. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento