By: Mark
Anthony Pispis
(Arakan, Cotabato/ September 2, 2014) ---Nag
iwan ng pinsala sa Barangay Hall at natamaan pa ng mga stray bullets ang isang
kalabaw ng paulan ng bala ng mga miyembro ng NPA ang elemento ng kasundaluhan
sa Barangay Caridad, Arakan North Cotabato alas 9:30 ng gabi kamakalawa.
Ayon sa report, nagsasagawa umano ng Peace
Development Outreach Program ang mga elemento ng sundalo sa ilalim ng 57th
IB, ng paulanan sila ng bala ng Rebeldeng grupo.
Natamaan ang ilang parti ng Barangay Hall ng
nasabing Barangay pati ang kalabaw na nakatali malapit ditto.
Dagdag pa ni Police senior Inspector Rolly
Oranza Hepe ng Arakan PNP sa panayam ng DXVL kahapon sa Periodiko Express ay
nagtungo ang Kapulisan sa pinangyarihan ng krimen kahapon ng umaga upang
magimbestiga sa lugar at narecover ang mga empty shells.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento