By:
Jimmy Sta. Cruz
AMAS, Kidapawan City (Sep 3) – Humanga ang
panauhing pandangal ng pagdiriwang ng centennial o ika-100 taon ng Cotabato na
si Department of Justice Secretary Leila De Lima sa narating ng probinsiya sa
larangan ng pagbabago at pag-unlad.
Ayon kay De Lima, maraming dahilan kung
bakit nararapat na magdiwang ang lalawigan sa centennial nito at kabilang rito
ay ang pagkakaroon ng mahusay na lider sa katauhan ni Gov. Emmylou “Lal” J.
Taliño-Mendoza na halimbawa raw ng magaling na pinuno na nagsusulong ng reporma
at kaunlaran.
Sa kanyang mensahe sa culmination program na dinaluhan ng humigit-kumulang
sa 50,000 katao, sinabi ni De Lima na may mas malalim na kahulugan ang ika-100
taon ng lalawigan at ito ay hindi hanggang numero lamang.
Binigyang-diin ng Kalihim na ang Cotabato ay
may mga pinuno na tunay na nagsusulong ng pagbabago kung kaya’t masasabing ang
lalawigan ay handang-handa na sa lahat ng mga pagsubok o hamon.
Nakita raw ni De Lima ang tapat ng mga
opisyal ng pamahalaang panlalawigan at
sinabi rin niyang ang Cotabato ay mapalad sa pagkakaroon ng mga lider
na nag-iisip at gumagawa ng maayos at
mahusay na mga desisyon.
Sinabi mg Kalihim na ang ika-100 ng
pagkakatatag ng Cotabato Province ay kasabay ng mga pagbabagong nagaganap
ngayon sa bansa.
Kabilang sa mga pagbabago ay ang mga reporma
sa executive, legislative at judicial offices ng gobyerno ng Pilipinas na
ipinatutupad naman ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ikinatuwa rin ni De Lima ang pagtutulungan
ng mga mamamayan ng Cotabato na nagbibigay daan upang lalo pang mapalakas ang
ugnayan ng bawat isa.
Humanga rin
si De Lima sa ipinakita ng mga kalahok sa Kalivungan Festival Street
Dancing and Showdown Competition.
Matapos naman ang kanyang mensahe ay isang
press conference ang ginanap sa lobby ng Gov. Rosario Diaz Building kung saan
sinagot ni De Lima ang ilang mahahalagang katanungan ng media. (JIMMY STA.
CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento