(Kabacan, North Cotabato/ September 4, 2014)
---Nagsimula ng magbakuna ang pamunuan ng Rural Health Unit ng Kabacan sa daan-daang
mga kabaatan hinggil sa Mass Measles Immunization sa isinagawang Kick –off Activity
kahapon.
Ayon kay Kabacan Disease Surveillance
Coordinator Honey Joy Cabellon abot sa 437 na mga kabataan ang nabigyan ng
Measles Immunization sa anim na barangay.
Habang 515 naman sa oral polio Vaccine ang
kanilang nabigyan as of 3:30 kahapon.
Ang nasabing aktibidad ng Department of
Health ay pinangunahan ng simbahan ng Christ of Christ the Latter day Saints.
Ayon nito masigurong protektado ang lahat ng
bata laban sa nakamamatay na Tigdas, dagdag pa ni Cabellon.
Magbibigay din ng oral polio vaccine upang
mapanitiling Polio-Free ang Pilipinas, isasabay ang pagbibigay ng oral vaccine
kontra Polio sa mga batang ito dahil sila rin ang maaaring maapektuhan ng
nasabing sakit.
Nanawagan si Cabellon sa mga magulang ng mga
batang edad limang taong gulang pababa na dalhin ang kanilang mga anak sa
pinakamalapit na health center o sa mga itinakdang vaccination posts / fix
sites sa Setyembre 2-30 upang mabakunahan kontra sa Tigdas at mabigyan ng oral
polio vaccine. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento