By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, Cotabato/ September 5, 2014) ---Inilunsad
sa bayan ng Midsayap ang Ligtas sa Tigdas at Polio mass Immunization campaign
sa pangunguna ng Midsayap Municipal Health Services Office kahapon.
Target ng programa na mabakunahan ng libre
ang mga kabataang edad lima pababa kontra sa mga sakit na tigdas, rubella o
German measles at polio.
Payo ng Midsayap Municipal Health Services
Office, dalhin lamang ang lahat ng batang may edad limang taong gulang pababa,
nabakunahan na o hindi pa, sa pinakamalapit na health center o vaccination
posts.
Maigi rin umanong makipag- ugnayan sa
barangay health workers tungkol sa schedule ng pagbabakuna sa inyong mga
barangay.
Ipapatupad ang mass immunization mula
September 4 hanggang October 1 ng taong kasalukuyan.
Batay sa datos ng Department of Health o
DOH, abot sa 44, 666 na kaso ng tigdas ang naitala mula January hanggang July
ngayong taon kung saan 91 mga bata ang namatay dahil dito. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento