By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ September 5, 2014)
---Nakatakdang magsagawa ng talakayan tungkol sa Climate Change Adaptation ang
Philippine Information Agency o PIA Regional Office XII sa darating na
September 19 ng taong kasalukyan.
Katuwang ng PIA XII sa adbokasiyang ito ang
Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Gaganapin ang forum sa Kapayapaan Hall ng
Opisina ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan dito sa bayan.
Inaasahan ang pagdalo ng iba’t- ibang
stakeholder sa nasabing forum partikular na ang mga magsasaka at benepisyaryo
ng Self- Employment Assistance for Kaunlaran o SEA- K, mga kasapi ng
unipormadong hanay, kabataan, at municipal disaster and risk reduction and
management officers mula sa buong Unang Distrito ng North Cotabato.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang
ugnayan ng iba’t- ibang stakeholder kaugnay ng mga isinusulong na adaptation
and mitigation measures sa nagaganap na
pagbabago ng panahon. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento