(Amas, Kidapawan City/
September 1, 2014) ---Deklaradong Special Non-working day sa buong lalawigan ng
Cotabato kaugnay sa pagdiriwang ng Araw ng Cotabato ngayong Setyembre a-uno.
Sa isang kalatas na ipinalabas
ng Provincial Government ang naturang deklarasyon ay nakabatay sa Proclamation
# 868 ng Office of the Executive Secretary Pachito Ochoa Jr. sa Malakanyang.
Ito ay upang mabigyan ng
pagkakataon ng mga Cotabatenyos na makiisa sa Centennial Celebration ng
lalawigan sa ika-isang daang taong anibersaryo ng Cotabato at kalivungan
Festival.
Kaugnay nito, isasagawa naman
ngayong araw ang Street Dancing showdown competition sa Provincial Capitol
Grounds na lalahukan ng limang mga bayan sa provincial category at mayroon ding
Mindanao wide category.
Samantala, magiging panauhing
tagapagsalita naman sa anniversary program mamaya si Department of Secretary
Leila De Lima, mismong si De Lima ang nag kumpirma kay Cotabato Gov. Lala
Mendoza na makiisa ito sa taga-Cotabato pagdiriwang ng Centennial nito.
Kaugnay nito, hinigpitan na
ngayon ng cotabato Police Provincial Office ang seguridad sa paligid ng
Provincial Capitol para matiyak ang seguridad ng mga bisita, at mga manonood sa
gagawing aktibidad ngayong araw. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento