(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014)
---Posibleng matatanggal sa master list ang pangalan ng mga botanteng walang
picture at biometrics na kuha mismo mula sa tanggapan ng Commission on Elections
o Comelec.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Kabacan
Comelec Officer Gideon Falcis.
Aniya, sisimulan nilang tanggalin sa
listahan ang walang mga picture at maraming discrepancies sa susunod na taon.
Ibig sabihin nito, hindi na makaboto ang mga
botanteng matatangal sa masterlist ng comelec sa 2016 National at local
elections.
Samantala, nagpapatuloy naman ngayon ang
ginagawang registration, validation at Activation sa lahat ng comelc offices.
Dito sa bayan ng Kabacan, umaabot na ngayon
sa mahigit sa isang libu ang mga bagong registrants.
Sa kabila nito, tila nilalangaw araw-araw
ang ginagawang registration ng comelec.
Kaya panawagan ni Falcis sa publiko na
tunguhin na ng mas maaga ang Comelec Kabacan para sa inyung registration.
Wala namang kinakalilangan dokumentong
dalhin para sa activation at validation.
Sa mga mag parehistro kailangang dalhin ang
mga sumusunod na valid Id batay sa Comelec resolution No. 9853: Employees
Identification card, Postal ID, PWD Discount ID, Student ID/ Library Card,
Senior Citizen ID, Driver’s License, NBI clearance, Passport, IBP ID, SSS/GSIS
Id, PRC Issued License, NCIP certificate at birth certificate para sa mga
single habang Marriage certificate naman para sa may mga asawa na. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento