Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Concierto Centenario, dinumog ng maraming tao sa kabila ng masungit ng panahon

(Amas, Kidapawan City/ August 28, 2014) ---Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at sungit ng panahon di pinalampas ng libu-libong manonood ang Concierto Centenario kagabi sa Provincial Capitol Grandstand, Amas, Kidapawan City masilayan lamang ang isa sa pinakasikat at teenage idol ngayon ng Philippine cinema na si Daniel Padilla.


Di mahulugang karayom ang mga manonood na mga Cotabateños simula ng mag perform ang mga local bands kungsaan humataw din ang mga ito bago nag-perform ang mga artista kasama na dito ang Maki-Rudy Band ng Makilala, Cotabato, AWA band at Malacasso Band at si Vincent Ibañez.

Hindi rin nag pahuli si Max Surban na tinaguriang “King of Visayan Songs”  ang nagpasikat sa mga Visayan songs na “Turagsoy”, “Kurdapya”, “Kwarta” at iba pa.


Sinundan ito ng sponge Cola at ang sikat at hinahangaang banda ng Aegis na nagpasikat ng mga kantang “Basang basa sa Ulan”, “Halik”, “Luha” at “Sinta”.

Agaw eksena din ang pagsayaw at pag-await ni actress-singer na si Vina Morales na lumikha din ng malaking pangalan sa movie at recording industry kungsaan sinabayan din siya ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza.

Todo Hiyaw naman ang mga manonood kagabi ng tumanghal na sa entablado si Daniel Padilla, hiyawan at sigawan ang crowd habang nag-aawit ang batang artista sa kabila ng maputik na ang tinatayuan ng maraming manonood sa Capitol grounds.

Naispatan din ng DXVL News ang isang ginang na bitbit pa ang sanggol na anak masilayan lamang ang kanilang idolo, nagsiksikan din ang mga bata, matanda, mapanood lamang ang inabangang concierto centenario.

Ang concierto centenario ay bahagi ng ika-100 anibersaryo ng lalawigan ng Cotabato.


Gayunpaman, naging mapayapa naman sa kabuuan ang naturang aktibidad sa tulong ng kapulisan, militar, at mga volunteers. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento