Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Public Hearing hinggil sa taas singil pasahe sa Kabacan, isasagawa ngayong umaga

(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014) ---Gagawin ngayong umaga ang isang public hearing hinggil sa taas piso na singil pasahe sa lahat ng puroks dito sa Poblacion ng Kabacan na isasagawa sa Municipal gymnasium.

Ayon kay Councilor Herlo Guzman Sr., may hawak ng Committee on transportation and Communication sa Sanggunian ma layon nito na amiendahan ang ordinance No. 2008-008.


Matatandaan na nagsumite ng  petisyon letter ang KULTODA Kabacan sa konseho dahil na rin sa mataas na presyo ng gasolina, mataas na halaga ng mga spare parts ng motor at ang Kabacan nalang ang hindi nagtaas sa singil ng pamasahe.

Sakaling ma-amendahan na ang Ordinance No. 2008-008 ay magiging P8.00 na ang pamasahe sa mga tricycle sa lahat ng sulok sa Poblacion.


Sakaling maaprubahan ito, posbleng P8.00 na ang magiging regular fare sa Poblacion ng Kabacan at P7.00 ang students at mga senior citizens. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento