Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pamangkin ng Vice Mayor na pinukpok ng martilyo, naoperahan na, pamilya patuloy na humihingi ng tulong pinansiyal

(Kabacan, North Cotabato/ August 25, 2014) ---Nasa mabuti ng kalagayan ngayon si Richard Nimer, ang estudyante ng University of Southern Mindanao at Pamangkin ni Kabacan Vice Mayor Myra Dulay Bade na pinukpok ng adik ng martilyo sa ulo.

Ito makaraang maoperahan ang sugatang ulo nito sa Davao City, ayon pa kay Vice Mayor Bade.
Aniya, planu ng pamilya na ma discharge na sa hospital si Nimer upang di na lumaki ang kanilang bill sa isang bahay pagamutan.

Kaugnay nito, patuloy naman ang apela ng pamilya Nimer sa publiko ng tulong pinansiyal para pambili ng maintenance ng gamot nito.

Samantala, kalaboso naman ang suspek na responsable sa pamumulpok sa ulo ng biktima na kinilalang si Jockson Usman, 24, ng Pagalungan, Maguindanao.

Nasakote ang suspek ng Datu Montawal PNP sa bahagi ng Brgy. Kudal, Pagalungan, Maguindanao.

Planu naman ng pamilya na magsampa ng kaso laban sa suspek na ngayon ay nakapiit na sa Kabacan PNP lock up cell. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento