Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Magsasakang nahaharap sa kasong homicide, boluntaryong sumuko sa Arakan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Bulontaryong sumuko ang isang magsasakang nahaharap sa kasong homicide sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Arakan, Cotabato kahapon.

Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang sumukong si Hernei Jangco Teves, 52-anyos at residente ng Datu Ladayun, Arakan, Cotabato.

Ang suspek ay sumuko sa tulong ni Kapitan Jonathan Ramirez at agad na tinurn-over sa himpilan ng pulisya.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong homicide na isinampa sa kanya sa RTC Branch 17 sa ilalim ni Hon. Judge Alvin Sadiri Balagot, RTC Branch 17 na may criminal case number 1989-14.

Ang akusado ay nagbigay ng piyansa para sa pansamantalang pagkakalaya nito, ayon sa report. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento