Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P200K, danyos sa nangyaring sunog sa isang residential House sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 26, 2014) ---Abot sa P200,000 ang natupok sa nangyaring sunog sa isang residential house sa bahagi ng Quirino St., Poblacion, Kabacan, Cotabato kahapon ng tanghali.

Sa panayam ng DXVL news kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer David Don Saure na tuluyan ng na fire out ng mga kagawad ng pamatay apoy ng Bureau of Fire Protection Kabacan ang nasabing sunog alas 12:45 ng tanghali.

Ang nasabing pamamahay ay pag-mamay-ari ni Mherlyn Mantawil ng nasabing lugar.

Wala namang may naiulat na nasaktan sa naturang sunog, ayon kay Saure.

Napag-alaman pa na bagong bili ang nasabing bahay na nasunog.

Dahil sa maagap na pagresponde ng mga BFP ay di na kumalat pa ang apoy.


Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng BFP kung anu ang pinag-mulan ng apoy. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento