(Kabacan, North Cotabato/ August 27, 2014)
---Kulungan ang bagsak ng dalawang mga pinaniniwalaang budol-budol gang
makaraaang maaresto ang mga ito sa bahagi ng National Highway , partikular sa
harap ng the Generic Pharmacy, Poblacion, Kabacan, Cotabato kahapon ng
tanghali.
Nahuli ang dalawang mga suspek sa tulong ng
Traffic Management Unit, mga tanod at kapulisan ng maispatan ng security guard
ng nasabing establisiemento na kaduda-duda ang ikinikilos ng mga ito.
Planu sanang biktimahin ng mga ito ang isang
matanda.
Nang pasakayin na nila sa kanilang sasakyan
doon na at dumating ang mga kapulisan, kungsaan dalawa sa apat na mga bodul-bodul
gang ay nakatakas at ngayon ay patuloy pang pinaghahanap.
Panawagan naman ni Kabacan Mayor Herlo
Guzman Jr., sa mga naging biktima na budol-budol gang na ito na mag tungo sa
himpilan ng pulisya upang malaman ng pagkakilanlan ng mga ito.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang
interogasyon ng kapulisan sa kanila upang malaman ng kanilang pagkakakilanlan
dahil sa puro alias lamang ang kanilang sinasabi at di pa mabatid kung taga
saan ang mga ito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento