Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

GRANADA, sumabog sa highway ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

(Cotabato city/ August 25, 2014) ---Nagulantang ang mga residente ng Datu Odin Sinsuat o DOS, Maguindanao matapos makarinig ng malakas na pasabog pasado alas sais kagabi.

Sinabi ni DOS PNP Chief Police Insp. Datu Tulong Penguiaman na naganap ang pagsabog sa isang madalim at isolated na lugar sa crossing Tamontaka.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng DOS PNP, lalaking naka-motorsiklo ang naghagis ng naturang Granada.

Ayon kay Penguiaman, maswerte at wala namang nasaktan  sa naturang pagsabog.

Samantala, na-recover sa blast site ang safety lever ng PRB Proton 300 type na Granada.

Sabi ni Penguiaman, maliit na uri lang ito ng Granada subalit pwede pa ring makapaminsala dahil sa lakas ng pagsabog.

Duda naman si Penguiaman na posibleng inihagis na lamang ng suspek ang Granada sa naturang lugar dahil sa higpit ng seguridad ng mga sundalo at pulis papasok ng Cotabato city.

Hanggang ngayon ay inaalam pa rin ng mga otoridad ang motibo sa naturang pagpapasabog.

Gayunman, tiniyak din ni Penguiaman na wala naman silang natatanggap na report ng pagbabanta sa seguridad sa kanilang bayan at mga karatig lugar nito. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento