(Pikit, North Cotabato/ August 25, 2014) ---Pinagbabaril
muna bago tinangay ang motorsiklo ng isang di pa nakilalang biktima sa
nangyaring krimen sa bahagi ng National Highway ng brgy. Dalingaoen, bayan ng
Pikit, North Cotabato alas 11:45 kamakalawa ng gabi.
Sa report ni Cotabato Police Provincial
Office Spokesperson PSI Jojet Nicolas na binabaybay ng biktima ang kahabaan ng
National Highway papunta sa bayan ng Aleosan sakay sa kanyang kulay asul na
Honda XRM 125 ng buntutan ng riding tandem sa nabanggit na lugar.
Pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre
.45 na pistol, batay sa empty shell na narekober sa crime scene.
Tinamaan sa dibdib ang biktima na naging
dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Ang biktima batay sa pagsasalarawan ay edad
35-anyos, 5’2 ang taas at naka maong na pants na kulay asul at black jacket na
may nakalagay na tattoo sa kanyang tiyan.
Nang makitang bulagta na ang biktima agad na
tinangay ng mga suspek ang sasakyan nito at tumakas sa di malamang direksiyon.
Samantala sa Nakilala na ang bangkay ng lalaking
natagpuan sa barangay Dalingawin, Pikit, North Cotabato kamakalawa, August 23.
Kinilala ni Pikit PNP Chief Police Insp.
Mauten Pangandigan ang lalaki na si Jay Hubo, isang negosyante na
taga-Poblacion Dos, Midsayap, North Cotabato. May dalawang tama ng bala ng cal.
45 pistol sa dibdib ang biktima na naging sanhi ng kamatayan nito.
Sinabi ni Pangandigan, posibleng may
kaugnayan sa bentahan ng iligal na droga ang pagkamatay ni Hubo. Naka-recover
kasi ng drug paraphernalia ang mga otoridad sa bangkay ng biktima nang
matagpuan ito.
Ngunit ayon kay Pangandigan, maaari ring
pagnanakaw ang motibo sa naturang pamamaril sa biktima dahil nilimas ng mga
suspek ang lahat ng mga gamit at ang motorsiklo ni Hubo.
Samantala, sinabi
naman ng kapatid ng biktima na si Jeric Hubo, pauwi na sana noong Biyernes ng
gabi si Hubo at binisita lang nito ang isa pang kapatid sa Pikit.
Mula noon ay hindi na nakauwi pa ang biktima
at nabatid na lamang ng pamilya nito na natagpuan na ang kanyang bangkay sa
Pikit. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento