Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga naglalakihang movie stars at banda tampok sa Concierto Centenario

AMAS, Kidapawan City (Aug. 27) – Tiyak na magiging bit hit ang Concierto Centenario na gagawin sa Provincial Capitol Grandstand, Amas, Kidapawan City sa Aug. 27, 2014 ganap na alas-singko ng hapon.

Kumpirmado na kasi ang pagtatanghal ng isa sa pinakasikat at teenage idol ngayon ng Philippine cinema na si Daniel Padilla na bago lamang ay pinahanga ang lahat sa kanyang pelikulang “She’s dating with a gangster” na naging super blockbuster.

Ayon kay Jevie Curato ng Provincial Treasurer’s Office at siyang Focal Person ng Concierto Centenario, kumpirmado na ang pagpunta ni Padilla sa Cotabato upang mag-perform sa harap ng libo-libong katao.


Maliban kay Padilla, darating din upang mag-perform ang actress-singer na si Vina Morales na lumikha din ng malaking pangalan sa movie at recording industry.

Dahil dito, tiyak na lubos ang kasiyahan ng mga Cotabateños sa naturang invitational concert na bahagi naman ng pagdiriwang ng ika-100 taon o centennial ng lalawigan at ng Kalivungan Festival ng Cotabato.

Ayon kay Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, layon ng Provincial Government of Cotabato na maging masaya at makulay ang selebrasyon at maging memorable para sa mga mamamayan.
Ang pagtungo nina Daniel Padilla at Vina Morales sa Cotabato Province  ay patunay na mapayapa at matiwasay ang lalawigan ng Cotabato at hindi magulo ang lugar.

Maliban sa dalawang bituin, darating din ang mga sikat at hinahangaang banda  na Aegis na nagpasikat ng mga kantang “Basang basa sa Ulan”, “Halik”, “Luha” at “Sinta” at ang Sponge Cola na nagpasikat ng mga kantang “Jeepney”, “Di na mababawi” at “Tuliro”.

Samantala, hindi rin pahuhuli ang novelty songwriter-singer na si Max Surban na imbitado din upang mag-perform sa concert. Si Max Surban na tinaguriang “King of Visayan Songs”  ang nagpasikat sa mga Visayan songs na “Turagsoy”, “Kurdapya”, “Kwarta” at iba pa.

Bago naman mag-perform ang naturang mga artists, hahataw muna ang mga sikat na local bands na Maki-Rudy Band ng Makilala, Cotabato, AWA band at Malacasso Band at si Vincent Ibañez.

Kaugnay nito, nananawagan si Gov. Taliño-Mendoza sa lahat na makisaya at manood ng Concierto Centenario.

Libre o walang anumang bayad ang panonood ng concert at ang kailangan lamang ay pumila ng maayos at sumunod sa mga security measures na ipatutupad ng otoridad. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento