(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014)
---Gagawin sa buong buwan ng Setyembre ang mass measles vaccination at polio
vaccine immunization na magsisismula sa Setyembre a-2 hanggang a-30.
Ayon kay Kabacan Disease Surveillance
Coordinator Honey Joy Cabellon na magsasagawa sila ng ‘door-to-door’ na pagbabakuna
sa mga batang may edad siyam na buwang gulang hanggang walong taon.
Kaugnay nito, ngayon palamang ay naghahanda na
ang mga personnel at health workers ng Department of Health (DOH), Integrated Provincial
Health Office (PHO) at Rural Health Unit o RHU Kabacan sa nakatakdang malawakang
pagbabakuna kontra tigdas at pagpatak ng oral polio vaccine na gagawin sa
susunod na buwan.
Ang Kick Off activity ay gagawin sa
Setyembre a-2 sa bayan ng Matalam.
Nanawagan si Cabellon sa mga magulang ng mga
batang edad limang taong gulang pababa na dalhin ang kanilang mga anak sa
pinakamalapit na health center o sa mga itinakdang vaccination posts / fix
sites sa Setyembre 2-30 upang mabakunahan kontra sa Tigdas at mabigyan ng oral
polio vaccine.
Ginagawa ito upang masigurong protektado ang
lahat ng bata laban sa nakamamatay na Tigdas, dagdag pa ni Cabellon.
Magbibigay din ng oral polio vaccine upang
mapanitiling Polio-Free ang Pilipinas, isasabay ang pagbibigay ng oral vaccine
kontra Polio sa mga batang ito dahil sila rin ang maaaring maapektuhan ng
nasabing sakit.
Nabatid na sa bayan ng Kabacan abot sa 30
kaso ng tigdas ang namonitor ng RHU Kabacan sa walong mga barangay na
kinabibilangan ng Simone, Salapungan, Lower Paatan, Cuyapon, Kayaga at Aringay.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento