AMAS, Kidapawan City (Aug 25) – Kabilang ang tatlong
former Bb. Pilipinas-Universe at Miss Universe runner-ups na sina Venus Raj,
Shamcey Supsup at Ariella Arida at ang kasalukyang Bb. Pilipinas-Universe na si
MJ Lastimosa sa mga bituin na darating sa Grand Coronation Night ng Mutya ng
North Cotabato 2014 Centennial Queen.
Gaganapin ito mamayang
gabi sa Provincial Capitol gymnasium, Amas, Kidapawan City bandang alas-sais.
Ayon kay Ralp Ryan
Rafael, Focal Person ng Provincial Governor’s Office Media Affairs at Head ng
Screening Committee at Technical Working Group ng search, kumpirmado na ang
pagdating ng naturang mga celebrities upang makibahagi sa isa sa pinakamalaking
aktibidad kaugnay ng centennial celebrations at Kalivungan Festival ng
lalawigan ng Cotabato.
Si Venus Raj ang
magiging host ng Grand Coronation Night at co-host nito ang up and coming male
model na si Ken Alfonso.
Sina Shamcey Supsup,
Ariella Arida at Bb. Pilipinas-Universe Lastimosa naman ay kabilang sa magiging
judges ng Search for the Mutya ng North Cotabato 2014 Centennial Queen.
Bisita rin ng search
ang asawa ni Shamcey Supsup na si Lloyd Lee.
Ayon ka Gov. Emmylou
“Lala” J. Taliño-Mendoza, nais ng Provincial Government of Cotabato na maging
lubos ang kasiyahan ng mga mamamayan ng Cotabato kaya inimbitahan ang naturang
mga bituin.
Patunay rin daw ang
pagtungo ng mga celebrities na sina Raj, Supsup, Arida, Lastimosa at sina
Alfonso at Lee na mapayapa at matiwasay ang lalawigan ng Cotabato.
Maliban rito, nais
rin ni Gov. Taliño-Mendoza na masilayan ng mga Cotabateño ang kanilang mga
hinahangaang indibidwal ng hindi na pupunta pa sa Manila o sa ibang lugar.
Nais din ng gobernadora
na mula sa 15 naggagandahang kandidata ay may susunod sa yapak ni Bb.
Pilipinas-Universe MJ Lastimosa na nagbigay ng malaking karangalan sa Cotabato.
Si Lastimosa ay tubong
Brgy. Sibsib, Tulunan, Cotabato.
Samantala, ang
magwawaging Mutya ng Cotabato 2014 - Centennial Queen ay siya ring magiging
Ambassadress of Peace ng Cotabato Province at magiging katuwang ng pamahalaang
panlalawigan sa mga peace initiatives and programs sa loob ng isang buong taon.
Libre at walang
anumang bayad ang panonood ng Grand Coronation Night at ang dapat lamang gawin
ng mga manonood ay pumila ng maayos at sumunod sa mga security measures na
ipatutupad ng otoridad. (JIMMY STA.
CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento