Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kabacan PNP Traffic Division, muling nagpaalala sa publiko na maging maingat sa pagmamaneho

(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014) ---Muling nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Kabacan PNP traffic division sa publiko na maging maingat sa pagmamaneho.

Ginawa ng himpilan ang pahayag matapos na mapatay sa aksidente sa banggaan ng motorsiklo at tricycle ang isang drayber na kinilalang si Jeniper Rapista ng Bonifacio St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Batay sa ulat, sangkot sa naturang vehicular accident ang tricycle na minamaneho ni Elgiemar Canonigo, 27 anyos na aksidenteng nabangga sa Honda XRM na minamaneho ni Rapista.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ang biktima.

Naisugod pa sa bahay pagamutan pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Nangyari ang insidente sa harap ng Soriano residence sa brgy. Katidtuan, Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Samantala, isang Jerome Carfoforo, 30-anyos at residente ng Amas, Kidapawan City ang panibagong biktima ng agaw motorsiklo sa bahagi ng Kayaga, Kabacan, Cotabato bago mag-alas 12 kahapon ng tanghali.

Kinuha umano ng suspek ang kanyang susi ng kanyang motor.

Hindi na pumalag ang biktima dahil may salukbit na baril ang suspek.

Mabilis na tumakas ang suspek tangay ang Bajaj motorcycle ng biktima.

Walang magawa si Carfoforo kundi ireport na lamang sa himpilan ng pulisya ang insidente. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento