(Kabacan, North Cotabato/ August 29, 2014)
---Isasagawa ngayong araw dito sa
University of Southern Mindanao ang Provincial at Mindanao wide Skills
Competition na pangungunahan ng College of Human Ecology and Food Sciences o
CHEFS at ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA
Cotabato na gagawin sa USM gymanasium.
Ayon kay event coordinator Shirl Mae Malacad
Bebit na handing-handa na ang kanilang pamunuan para sa gagawing competisyon.
Iba-ibang mga patimpalak ang gagawin sa
larangan ng tourim kagaya ng Bartendem,
Cake Decorating, Buffet Center Piece Arrangement, Fruit and Vegetable Carving
habang sa IT sector naman ay ang IT Network, IT software, web design, Mechanical
CAD at graphic design.
Ayon kay TESDA Provincial Director Engr.
Florante Herrera na ang aktibidad ay bahagi ng ika-100 taong anibersaryo ng
probinsiya.
Kaugnay nito todo naman ang paghahanda ng
kolehiyo sa pamumuno ni Dean Dr. Urduja Nacar hinggil sa nasabing aktibidad. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento