Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Seguridad sa mga lugar na madalas sinasalakay ng BIFF, hinigpitan ng militar

(Aleosan, North Cotabato/ August 27, 2014) ---Mas hinigpitan ngayon ng militar ang kanilang pagbabantay sa mga lugar na madalas sinasalakay ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter o BIFF kasabay ng pagtitiyak na walang dapat ikabahala sa panibagong pagsalakay ng ng BIFF sa Barangay Dungguan, Aleosan, North Cotabato.

Ito ang ipinahayag ni 602nd Brigade spokesperson Captain Calvin Makatangay kungsaan kanilang napaghandaan ang anumang pag-atake ng BIFF dahil na rin sa mga naunang impormasyong kanilang natatanggap mula sa intelligence reports.

Giit pa ng opisyal na nakalatag na ang kanilang security measures sa mga bayan sa lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao na maaaring target ng pagsalakay ng BIFF.

Una rito, hinarass ng BIFF ang detachment ng 38th Infantry Battalion sa Aleosan pasado alas dose ng madaling araw kahapon.

Gayunman, wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

Isang Tato Tuaya ang sinasabing lider ng grupong sumalakay at nakipagbarilan sa mga sundalo kasama ang mahigit sampung iba pa. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento