AMAS, Kidapawan City (Aug. 25) – Dahil sa ipinakitang
husay sa pagrampa, pagdala ng sarili at kasuotan at pagsagot sa Question and
Answer, napili bilang Mutya ng North Cotabato 2014-Centennial Queen ang
kandidata mula sa bayan ng Alamada na si Ma. Jemi Keziah D. Arroyo.
Tinalo ni Arroyo ang 14 na iba
pang mga kandidata at iniuwi ang korona bilang pinakamagandang dilag sa
lalawigan ngayong taon na siya ring tinaguriang Centennial Queen kaugnay ng
ika-100 taon ng Cotabato.
Si Arroyo ay 22 taong gulang at
nagtatrabaho bilang isang nurse.
Sa umpisa pa lamang ng coronation
night ay namukod-tangi na si Arroyo at napansin agad ng mga judges ang kanyang
kakaibang ganda at husay sa mga binitawang sagot sa mga katanungan.
Sa individual interview ay
tinanong si Arroyo kung ano ang meron siya na sa tingin niya ay maaaring
magpanalo sa kanya bilang pinakamagandang babae sa lalawigan ng Cotabato.
Sinabi ng dilag na lahat silang
mga kandidata ay magaganda at mahuhusay ngunit ang kanyang karakter bilang
babae na may determinasyong mapagtagumpayan ang lahat ng pagsubok ang dahilan
kung bakit siya bukod-tangi.
Layunin din raw niya na gabayan at
bigyan ng magandang impluwensiya ang bagong henerasyon ng mga Cotabateño.
Lalo pang napahanga ang mga judges
kay Arroyo matapos niyang sagutin ang final question ng search para sa Top 5
candidates kung saan isa siya sa mga napili.
Ang tanong ay kung ano ang isang
bagay na gusto niyang baguhin para sa lalawigan ng Cotabato.
Sinabi ng dalaga na wala siyang
gustong baguhin at sa halip ay nais niyang palakasin pa ang pagkakaisa at
pagkakaunawaan ng mga tao sa Cotabato anumang ang tribo o paniniwala ng mga
ito.
Hinimok din nya ang mamamayan na panatilihin
ang pagtutulungan upang makamait ang kaunlaran.
Maliban sa korona ng Mutya ng
North Cotabato 2014, iniuwi din ni Arroyo ang tatlo pang Special Awards – ang
Best in Play Suit, Best in Interview and Best in Gown. Siya rin ang nanalo sa
SMART Communications Text Poll Texters Choice Award.
Samantala, nagwagi naman bilang 1st
runner up si Charmaine R. Fajanela ng Arakan, 2nd runner up si
Clarice Faith V. Tero, 3rd runner up si Stephanie joy G. Abellanida
at 4th runner up si Aleana Grace F. Corpuz.
Best in Talent si Mungan E.
Mamparair ng Carmen at siya ring nanalo sa On-Line Voting sa Face Book fan page
bilang People’s Choice Award o may pinakamaraming likes.
Best in Haute Couture naman si
Syrhene A. Allado ng Tulunan.
Ang mga judges ay kinabibilangan
nina Police Sr. Supt. Cornelio R. Salinas, (former PD ng CPPO), Provincial
Director ng Ilo-Ilo Police Provincial Office, Shamcey Supsup-Lee, Miss universe
2011 3rd Runner Up, Vito Selma, kilalang International Furniture
Designer, Ariela Arida, Miss Universe 2013 3rd Runner Up at si Bb.
Pilipinas-Universe 2014 Mary Jean Lastimosa na siyang Chairman of the Board of
Judges.
Matindi naman ang hiyawan ng mga
fans at supports ng bawat kandidata. Humigit kumulang sa 7,000 katao ang nanood
ng coronation night.
Lalo pang tumindi ang kanilang
sigawan ng kumanta ang up-and-coming male model-singer na si Ken Alfonso at ng
umakyat sa stage ang asawa ni Shamcey Supsup-Lee na si Lloyd Lee.
Pinasalamatan naman ni Gov.
Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang mga mamamayan ng Cotabato sa pakikiisa at
suporta sa Search for the Mutya ng North Cotabato- Centennial Queen kung kaya’t
ito ay nagin matagumpay.
Nanawagan din siya sa mga
Cotabateño suportahan ang lahat ng mga programa at aktibidad na inilatag ng
Provincial Government of Cotabato kaugnay ng ika-100 taon o centennial ng
lalawigan. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento