Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagkakabalam ng sahod ng mga estudyanteng sumailalim sa SPES, ipinaliwanag ng PESO Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 22, 2014) ---Ipinaliwanag ng pamunuan ng Public Employment Services Office o PESO Kabacan na may prosesong sinusunod bago ma-i-release ang sahod ng mga estudyanteng sumailalim sa Special Program for the Employment of Student o SPES.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PESO Designate George Graza kungsaan ang 60% ng sahod ng mga ito ay na counterpart ng LGU Kabacan ay kanila ng naibigay noon pang buwan ng Mayo.

Habang ang 40% dito ay magmumula naman sa Department of Labor and Employment o DOLE 12 na nirereklamo ng mga magulang at estudyante na hanggang ngayon ay hindi pa dumarating.

Giit pa ni Graza na hindi na dadaan sa kanila ang pera na buhat sa DOLE 12 kundi idederitso na ito sa mga estudyante sa pamamgitan ng M Lhuiller.

Mismong ang DOLE 12 ang mag-tetext sa kanila ng KPTN para makuha nila ang kanilang 40% na sahod na counterpart ng DOLE 12.


Pero ayon sa opisyal posibleng sa katapusan pa ng buwan ng Agosto o sa unang linggo ng Setyembre darating ang kanilang pera, giit pa ni Graza. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento