(Sultan Kudarat/ August 22, 2014) ---Pinagbabaril
hanggang sa mapatay ang isang magsasaka sa nangyaring krimen sa Barangay Maindang,
bayan ng Lutayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat kahapon ng hapon.
Ayon kay Police Senior Inspector Melvin
Balba, hepe ng Lutayan PNP away sa pagitan nina Carali Mama at Oscar Gaya ang
nangyari sa lugar.
Pinuntahan umano ni Mama sa pamamahay nito
si Gaya at doon naganap ang maikling engkwentro ng dalawa.
Patay si Gaya sa papamaril ng suspek na si
Mama na agad na tumakas.
Naniniwala si Balba na matagal nang may
alitan ang dalawa na nauwi sa nasabing barilan.
Maraming sibilyan naman ang nagsilikas dahil
sa takot na maipit sa naturang girian.
Naglagay na rin ngayon ng dagdag ng pwersa
ng kapulisan sa lugar para tiyakin ang seguridad at maiwasan ang gagawing
retaliation ng magkabilang grupo. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento