Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Suspek na nagmartilyo sa estudyante ng USM, arestado na!

(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2014) ---Arestado ng mga otoridad ang suspek na responsable sa pag-martilyo sa ulo ng isang estudyante ng University of Southern Mindanao.

Sa panayam ng DXVL News kay PO1 Genesis Bendor ng Kabacan PNP kinilala ang suspek na si Jockson Usman, 24, ng Pagalungan, Maguindanao.

Nasakote ang suspek ng Datu Montawal PNP sa bahagi ng Brgy. Kudal, Pagalungan, Maguindanao alas 9:20 kahapon ng umaga.

Agad namang na-i-turn-over sa Kabacan PNP ang nasabing suspek.

Samantala nasa kritikal na kalagayan ngayon ang biktimang kinilalang Richard Nimer, 19-anyos, BS Agricultural Economics student ng University of Southern Mindanao at residente ng Brgy. Osias, Kabacan.

Sa panayam ng DXVL News sa mismong nanay ng biktima na si Tessie Nimer, pinasok umano ng suspek ang biktima at sa walang dahilan ay pinukpok ang ulo nito.

Isinugod pa ang biktima sa Kabacan Medical Specialist kung saan inilipat sa Kidapawan Medical Specialist dahil sa maselang kalagayan nito.


Sa ngayon nasa Davao City si Richard nagpapagaling at patuloy ang panawagan ng pamilya Nimer na may mga magandang kalooban na tulungan sila sa pinansiyal na pagpapagamot sa kanilang anak. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento