(Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2014)
--- Binigyang diin ni National chairperson ng Philippine councilor’s League
Hon. Alma Moreno ang pagsama-sama at pagsuporta ng bawat Kabakeños para lalo
pang mapaunlad ang bayan ng Kabacan.
Ginawa ng opisyala ng pahayag sa harap ng libu-libong
mamamayan ng Kabacan at mga opisyal ng bayan sa katatapos na 67th founding
Anniversary Program ng Kabacan kahapon umaga.
Giit pa nito na kung mag-sama-sama ang lahat
anumang proyekto at programa ng alkalde o ng gobernador ay matutuloy.
Sinabi pa nito na dapat ay magkakaisa ang
bawat Kabakeños at inihalimbawa pa nito si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ng
kanilang alkalde sa Parañaque na mabait at patuloy ang pagtulong sa mamamayan.
Pinasalamatan din ng opisyal ang mainit na
pagtanggap ng mamamayan ng Kabacan bilang panauhing pandangal at tagapagsalita
sa ika-67 taong anibersaryo ng Kabacan.
Samantala, binigyan din ng pagkilala ang
ilang mga Kabakeños na nagbigay ng karangalan sa bayan ng Kabacan kagaya ni
Prof. Jerome Ele matapos na makuha ang top 2 sa nakaraang Licensure
Examinations for Agriculture o LEA.
Bukod ditto, binigyan din ng pagkilala ang
mga purok lider na mga outstanding Lupong tagapamayapa at Outstanding Barangay
Council for the Protection of Children.
Namigay naman ang LGU ng ESWM basket sa mga
best ESWM practice at sa mga ginawang paligsahan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento