(Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2014)
---Nagpaabot ng pagbati si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa
bawat Kabakeños sa naging matagumpay na selebrasyon ng 67th Founding
Anniversary ng Kabacan.
Aniya, ak-mang akma ang naging tema ng
selebrasyon sa sitwasyon ng Kabacan ngayon na “Unlad Kabacan, Kaya Natin Ito”.
Wala umanong pagsubok na di makakayanan kung
ang lahat ay nagsama-sama, ayon pa sa gobernador.
Sa ambush interview ng DXVL sa opisyal,
sinabi ng gobernador na natutuwa ito dahil sa maraming mga tao at bisita na
dumalo sa program sa harap ng Municipal Hall kungsaan magkasama ang mga
Maranao, Maguindanaoan, Ilokanos, bisaya para ipagdiwang ang kapiestahan ng
Kabacan.
Natutuwa rin ito sa mga inihandang programa
ng pamahalaang Lokal ng Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.
at ng mga kasapi ng Sangguniang Bayan.
Samantala, nagging mahigpit naman ang
seguridad sa paligid ng Maunicipal Hall lalo na sa mga pangunahing kalye
kungsaan patuloy ang pagmantina sa trapiko ng mga TMU Kabacan sa pamumuno ni
TMU Ret. Col. Antonio Peralta.
Todo din anbg pagbabantay sa paligid ng
pinagdausan ng kapiestahan ng mga kapulisan para tiyakin ang seguridad ng mga
mamamayan at bisita sa mga ipinakalat na pulisya at militar sa paligid na
pinamunuan naman ni ground commander P/Supt. Jordine Maribojo.
Samantala, isa ang naiulat na nahimatay sa
kasagsagan ng distribution ng mga lunch pack dahil sa gitgitan at kadami ng tao
na kumuha ng pagkain sa Municipal gymnasium.
Pero tiniyak naman ng pamunuan ng LGU na
lahat ay naka-kain kanina dahil sa sampung libong lunch pack ang inihanda ng
Pamahalaang Lokal ng Kabacan. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento