Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Power Supply ng Mindanao, sapat -NGCP

(Kabacan, North Cotabato/ August 22, 2014) ---Tiniyak ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines na hindi nagkukulang ang Mindanao Grid sa mga sinusupply nilang kuryente.

Sa isang pahayag, sinabi ni NGCP spokesperson Milfrance Capulong, abot sa 1,391MW ang kasalukuyang generation capacity ng Mindanao Grid habang 1,343MW naman ang average power demand ng mga konsumidores.

Aniya, sumusobra pa ng mahigit 40MW ang supply na naibibigay ng power generators sa Mindanao kaysa sa average peak demand ng isla.

Ipinaliwanag ni Capulong na mataas ang power demand kapag weekdays dahil ginagamit ang mga pasilidad sa mga opisina.

Sa kabila nito, labas na sa kamay ng NGCP ang kontrata sa pagitan ng mga power generators at ng mga Electric Cooperative.

Una nang nagpalabas ng anunsyo ang COTELCO Main na ang dahilan ng umiiral na rotational brownout ngayon sa kanilang service area ay dahil sa pagkasira ng STEAG coal-fired power plant sa Misamis at problema sa ilang makina ng Hydropower plants sa Lanao. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento