Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 katao sugatan sa magkahiwalay na pananaksak sa lalawigan ng Cotabato

(Amas, Kidapawan City/ August 20, 2014) ---Patuloy na nagpapagaling ngayon sa ospital ang drayber ng habal-habal makaraang saksakin ng kanyang mga pasahero sa Barangay Sta Felomina, Makilala, Cotabato.

Sa ulat ng Makilala Municipal Police Office, nagtamo ng matinding sugat sa tiyan ang drayber na si Leo Degrio Lagaras, residente ng Barangay San Vicente, Makilala.

Nahuli ng mga pulis si Marlon Oto, 29, residente ng Pikit, Cotabato habang nakatakas naman ang 16-anyos na diumano'y kasintahan nito na siyang sumaksak kay Lagaras noong Linggo ng gabi.
Lumabas sa imbestigasyon na pinakyaw ng dalawa ang habal-habal subalit hindi pa nakarating sa lugar ang mga ito sinaksak ng mga suspek ang drayber.

Sinampahan na ng kasong frustrated homicide at robbery si Oto na nakakulong sa lock up cell ng Makilala PNP. Habang, pinaghahanap pa ang menor de edad na nobya ng biktima.

Samantala sa Arakan, Cotabato naman, dalawa katao ang sugatan makaraang saksakin ang mga ito sa bahagi ng Poblacion ng nasabing lugar alas 10:30 ng gabi nitong linggo.

Sa report ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang mga biktima na sina Jay Casis, 20-anyos at Silvestre Taday Jr., kapwa residente ng Poblacion, Arakan.

Batay sa ulat, pauwi na ang dalawa papunta ng sitio Sabang ng pagsasaksakin ng suspek na kinilalang si Jobert Bernabe, Out of School Youth at residente ng Ma. Caridad.

Agad namang isinugod ang dalawa sa bahay pagamutan para malapatan ng medikal na atensiyon.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa nasabing insidente. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento