Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 katao nahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Kabacan sa magkahiwalay na operasyon ng Kabacan PNP kontra illegal drugs

(Kabacan, Cotabato/ August 18, 2014) ---Kalaboso ngayon sa Kabacan PNP lock up cell ang tatlo katao makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na droga sa Kabacan, Cotabato kahapon.

Alas 3:30 kahapon ng hapon ng unang mahuli ang dalawa katao sa panulukan ng Maria Clara at Lapu-lapu St., Poblacion ng bayang ito.

Kinilala ni supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Pj Sinapan Mintog, 18-anyos, may asawa at residente ng Quirino St., Poblacion ng bayang ito habang huli din ang isa pa nitong kasama na si Adan Calim, 35-anyos residente ng Malapag, Carmen, Cotabato.


Nanguna sa pag-aresto sa mga suspek si PInsp. Maxim Peralta habang nagsasagwa sila ng mobile Check point operations sa mga pangunahing kalye ng Kabacan kasama ang mga elemento ng Kabacan PNP, RPSB 12 at mga Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT. Nakuha mula sa posisyon ng dalawa ang isang piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Samantala, isa namang nagngangalang Memeng Uagalingan Bandila, 35-anyos ng brgy. Dagupan, Kabacan ang naaresto din sa bahagi ng Lapu-lapu St., alas 4:25 kahapon ng hapon matapos na makuhanan ng illegal na droga.


Nahuli ang mga suspek sa nagpapatuloy na kampanya ng mga otoridad kontra illegal na droga. Sa ngayon, inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong isasampa laban sa mga ito. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento