(Amas, Kidapawan City/ August 19, 2014) ---Tiniyak
ng pamunuan ng North Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management
Council na walang mga naitalang kalamidad na tumama sa lalawigan sa kabila ng
mga malalakas na ulan ilang araw na ang nakakalipas.
Ayon kay PDRRMC Officer Cynthia Ortega,
tinututukan nila ang ilang mga flood-prone municipalities sa lalawigan pero
wala namang binaha sa mga ito.
Nabatid na may Automatic Rain Gauge ang
bawat bayan sa North Cotabato at limang water level monitoring stations na
kinokontrol ng PAGASA.
Sa ngayon, patuloy pa ring nakatutok ang
PDRRMC sa mga hazard prone areas sa lalawigan.
Nanawagan naman si Ortega sa publiko lalo na
sa mga nakatira sa mga hazard prone areas na manatiling handa sa posibilidad ng
pagtama ng kalamidad sa kanilang lugar. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento