Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagbubukas Kalivungan Centennial Celebration at Market-Market sa Kapitolyo, Kasado Na

(Amas, Kidapawan City/ August 18, 2014) ----Kasado na ang mga nailatag na aktibidad hinggil sa Kalivungan Centennial Celebration 2014 o ang ika-isang daang taong anibersaryo ng lalawigan ng Cotabato.

Kaugnay nito, nakatakda namang bubuksan ang Market-Market sa Kapitolyo, Tourism and Trade Fair ngayong Agosto a-25, alas 10 ng umaga sa Covered Court partikular sa harapan ng Agricenter Complex, Capitol Compound, Amas, Kidapawan City, ito ayon sa report ni OPAG News Correspondent Ruel Villanueva.

Magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa nasabing okasyon si Mindanao Development Authority Chairperson Lualhati Antonino.


Pangungunahan ng centennial celebration guest speaker ang ribbon-cutting ceremony kasama sina Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, Vice-Gov. Gregorio T. Ipong at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato upang saksihan ang mga exhibits sa Market-Market sa Kapitolyo, Tourism and Trade Fair na kinabibilangan ng mga booth display na naglalaman ng OTOP ng bawat bayan sa lalawigan, small and medium enterprise display at cooperative display.

Ang Market-Market sa Kapitolyo ay isang mahalagang highlight ng Kalivungan Centennial Celebration ngayong taon na kung saan nakafeature dito ang mga produktong pang-agrikulrura ng bawat bayan sa lalawigan.

Tampok sa isang linggong Market-Market ang mga sumusunod:

  1. LGU Booth display and contest
  2. SME exhibits
  3. Garden show
  4. Coop exhibit
  5. Root Crop Chips contest at Awarding ng RIC Vegetable Garden & Search for Barangay Malinis, Luntian, Ligtas at Handa sa Anumang Kalamidad
  6. Fisherfolk Day
  7. Bantay Peste Day
  8. 4-H Club Day
  9. Investment Clinic and Market Matching
  10. Awarding of Gawad Saka and APRAA winners
11.                  Lectures on Rice, Corn and High Value Crop Development Programs
  1. Awarding of Corn Quality Award winners
  2. Bilis Asenso B-Meg Caravan, at ang
14.                  Information Drive on Livelihood Program with emphasis on Serbisyong Totoo Entrepreneurship Program (STEP)

Magtatagal ang Market-Market hanggang September 1, 2014 na kung saan ito ang araw para sa culmination program at pagbibigay ng karangalan hinggil sa iba’t-ibang patimpalak.

Ang aktibidad ay sa pakikipagtulungan ng Office of the Provincial Agriculturist ng North Cotabato katuwang nito ang Office of the Provincial Veterinarian at Provincial Cooperative Development Office.


Ang Kalivungan Centennial Celebration ay may temang: “Dantaong Cotabato: Pagkakaiba Nati’y Gawing Lakas, Magkaisa sa Paghabi ng Bukas.” Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento