(Kabacan,
Cotabato/ August 18, 2014) ---Ipinagdiriwang ng bayan ng Kabacan ang kanyang
ika-67 taong anibersaryo ngayong araw.
Kaugnay
nito, magiging panauhing pandangal at tagapagsalita sa Anniversary program ngayong
umaga si National Pres. ng Philippine Councilor’s League Hon. Alma Moreno.
Sa
ngayon, isinasagawa naman ang Grand Parade sa mga pangunahing kalsada ng
Kabacan na nagsimula sa Kabacan Pilot Central Elementary School alas 6:30
ngayong umaga, bilang bahagi ng culmination program sa isang linggo pagdiriwang
nito.
Hangad
naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., na mapasaya ang bawat Kabakenyos sa
pagdiriwang ng ika-67th Founding Anniversary ng bayan.
Samantala
sa isinagawang hiphop dance competition kahapon, sa College Category nakuha ng
CIT ng University of Southern Mindanao ang 1st place, second place
ang IMEAS-USM at 3rd place ang ACTI, Inc.; sa High School Category
naman naiuwi ng Osias High School ang 1st Place, 2nd
place naman ang St. Lukes Institute at 3rd place ang Notre Dame of
Kabacan, Inc. samantala sa elementary; 1st Place ang Notre of
Kabacan, Inc., 2nd place naman ang DDC Academy at 3rd
Place ang USM-Annex, ito ayon sa resulta na ipinalabas ni Hiphop Dance
Chairperson Grace Ullo ang HRMO Head ng LGU Kabacan.
Sa
iba pang mga kaganapan, dinumog naman ng maraming tao ang konsiyerto sa plaza
kagabi ni Max Surban, kahit na masungit ang panahon, tuloy ang buhos ng
maraming tao mapanood lamang si Max Surban.
Todo
higpit naman ang seguridad sa paligid ng Municipal Hall simula ng magbukas ang
Kapagayan Festival activities hanggang sa gagawing anniversary program ngayong
umaga at ang Mayor’s Night naman mamayang gabi. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento