(Matalam, North Cotabato/ August 20, 2014)
---Mas pinaigting ngayon ng Matalam PNP ang kanilang kampanya kontra illegal na
sugal sa bayan.
Ayon kay PCInsp. Elias Diosma Colonia, hepe
ng Matalam PNP patuloy ang kanilang ginagawang operasyon para masawata kung di
man tuluyang mahinto ang sugal sa bayan.
Katunayan, aniya, isang 29-anyos na
residente ng Purok Boguinvilla, Matalam, Cotabato ang kanilang nahuli sa bahagi
ng Poblacion ng Matalam alas bago mag alas 8:00 kagabi.
Nakuha mula sa posisyon ng suspek ang
iba’t-ibang last two paraphernalias at cash na P370.00.
Sinabi naman ni SP01 Froilan Gravidez ng
Matalam PNP na magpapatuloy ang ginagawa nilang saturation drive sa mga lugar
sa bayan ng Matalam kungsaan talamak ang illegal number games o mas kilala sa
tawag na last two. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento