Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

On-line voting at texting para sa People’s Choice Award ng Mutya ng North Cotabato 2014-Centennial lalo pang umiinit

By: JIMMY STA. CRUZ

AMAS, Kidapawan City (Aug. 17) – Isang buwan matapos simulan ang On-line voting sa fan page ng Mutya ng North Cotabato 2014 –centennial queen Face Book account at ang kabubukas lamang na Text Poll ng SMART Communications ay naging mainit na ang tugon ng mga supporters at fans.

Katunayan, ilan sa mga kandidata ay mahigpit na naglalaban para sa may pinakamaraming likes sa fan page at pinakamaraming boto naman para sa text poll.

Ayon kay Ralph Ryan Rafael, Focal Person ng Provincial Governor’s Office Media Affairs, layon ng on-line voting at text poll na gawing mas malawak ang kompetisyon at makakuha ng maraming suporta sa social media.

Nais din ng Provincial Government of Cotabato na maging inter-active ang kompetisyon di lamang sa actual na pageant kundi maging sa social media kung saan malaki ang magagawa para sa ikatatagumpay ng search.

Kaya naman binuksan nito ang fan page sa facebook at nakipag-partner ang Provincial Government of Cot. sa SMART Communications.

Sa pinakahuling detalye sa on-line voting for the Mutya ng North Cotabato People’s Choice Awards as of 12:00 noon, August 17, 2014, ang Top 5 ay kinabibilangan nina Mungan Mamparair (7,062 likes), Charmaine Fajanela (4,878 likes), Mary Queen de Vera (2,396 likes ), Jazelee Joy Palang (1,984 likes) at Liezel Libria (1,801 likes).

Sa SMART Communications text poll naman ang Top 5 ay kinabibilangan nina Charmaine R. Fajanela (2,857 votes), Ma. Jemie Keziah D. Arroyo (2,260 votes), Mary Queen P. de Vera (1,612 votes), Aleana Grace F. Corpuz (226 votes) at Reane Pia B. Poblador (220 votes).

Magtatagal hanggang sa mismong Grand Pageant at Coronation Night ang botohan para sa People’s Choice Award at Text Poll.

Tatanggap ng cash prizes ang mananalo sa People’s Choice Awards at Text Poll.

Maliban pa ito sa mga major awards na mapapanalunan ng mga kandidata.

Kaugnay nito, inaanyayahan naman ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang mga mamamayan na makiisa at manood ng Grand Pageant and Coronation Night.


Hinimok din ng gobernadora ang lahat na makisaya at suportahan ang lahat ng mga aktibidad ng Kalivungan Festival at Centennial celebrations ng Cotabato. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento