(Midsayap, North Cotabato/ August 22, 2014)
---Kamatayan ang sumalubong sa isang miyembro ng Barangay Peacekeeping Action o
BPAT habang sugatan ang dalawa pa nito’ng mga kasama nang makipagbakbakan sila
sa isang armadong grupo sa Barangay Tugal sa bayan ng Midsayap, alas-3:25 ng
hapon ng Huwebes.
Ayon sa report ng Midsayap PNP,
nagka-enkwentro ang grupo ni Barangay Chairman Pulalon ng Barangay Tugal at
grupo na pinamumunuan ng isang Kagi Tandoy na taga-Barangay Kapinpilan, bayan
pa rin ng Midsayap.
Paniwala ng mga imbestigador na personal
grudge sa pagitan nina Chairman Pulalon at ni Kagi Tandoy ang dahilan ng
bakbakan, kahapon.
Si Kagi Tandoy at ilan sa kanyang mga tauhan
ay mga miyembro umano ng isang rebeldeng grupo na nag-o-operate sa Midsayap. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento