(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2014)
---Umaabot na umano sa sampung buwan at hanggang ngayon ay di pa rin
natatanggap ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s beneficiaries sa limang
bayan sa Lanao del Sur ang kanilang buwanang sustento.
Ito ang napag-alaman ng DXVL News mula kay
Ret. Col. Macabayao Casim na residente ng Purok Bukang Liwayway, Poblacion,
Kabacan makaraang magsumbong ang mga kamag-anak nito na residente ng Lanao del
Sur sa kanya.
Aniya, ilang beses na umanong nakakuha ang
mga 4P’s beneficiaries sa lalawigan ng North Cotabato pero ang mga
beneficiaries ng 4P’s sa bayan ng Malabang, Marugong, Sultan Gumande, Kapatagan
at Balabagan hanggang ngayon ay wala pa rin umano silang ma-wi-withdraw, ito
dahil sa wala pa ring laman ang kanilang ATM card, ayon pa kay Casim.
Sa ngayon, nais ni Casim na paimbestigahan
sa DSWD National ang nangyayari sa Lanao del Sur.
Duda ni Casim na baka ito ay iniipit ng
pulitiko, bagama’t di naman nito diritsang masasabi dahil wala pa itong
hinahawakang dokumento na magpapatunay.
Agad namang idinulog ng himpilang ito sa
National Office ang naturang reklamo at umaasa ang DXVL Radyo ng Bayan na agad
na matutugunan ito ng DSWD sa lalong madaling panahon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento