(Amas, Kidapawan City/ August 20, 2014) ---Ginawaran
ng apat na malalaking karangalan ang Cotabato Police Provincial Office ng
Police Regional Office 12 sa katatapos na ika-113th Police Service
Anniversary sa PRO 12, Brgy. Tambler, General Santos City kahapon.
Ayon kay CPPO Spokesperson PSI Jojet Nicolas
na ang naturang karangalan ay iginawad ng government at Non-government Units sa
mga Police Units at sa mga kagawad ng pulisya na nagpamalas ng kapuri-puring
pagganap ng kanilang tungkulan.
Mismong si Regional Director Police Chief
Superintendent Lester Oropesa Camba ang nagbigay ng pagkilala sa CPPO kungsaan
kabilang sa mga special award na nakuha ng CPPO ay ang: Most Number of Firearms
Accounted and Notable Accomplishment in the Campaign against Illegal Drugs.
Binigyan din ng pakilala ang President Roxas
PNP sa kanilang paglaban sa mga lumusob na NPA sa kanilang himpilan kungsaan
mismong ang Camp Crame ang nagbigay ng parangal dito.
Samantala, nabigyan din ng pagkilala si CPPO
Provincial Director Police Senior Superintendent Danilo Palenzuela Peralta sa
mga achievement nito sa larangan ng Police Administration.
Agad namang pinasalamatan ni Director
Peralta ang pamunuan ng PRO 12 sa mga karangalan na kanilang natanggap na
magpapalakas pa sa moral ng mga kapulisan at sisikapin pa nilang lampasan ang
anumang kanilang nagawa sa nakalipas na taon na pagsilbihan ang taong bayan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento