(Amas, Kidapawan City/ August 20, 2014) ---Pinaniniwalaang
matinding depression at problema sa buhay kaya kusang nagpasalubong kay
kamatayan ang isang 37-anyos na preso sa loob ng palikuran ng Bureau of Jail
Management Penology o BJMP sa Amas, Kidapawan City.
Sa ulat ni CPPO Spokesperson PSI Jojet Nicolas,
nakilala ang biktima na si Crisanto Lupo, 37-anyos, binata at residente ng
Madrid St., Kidapawan City at nahaharap sa kasong rape.
Nagpaalam umano ang biktima kay Leonard
Villasor, nakatalagang guwardiya bandang alas 7:30 ng gabi noong Biyernes upang
gumamit ng palikuran.
Agad namang bumalik sa kanyang jail guard
post ang guwardiya matapos na mabuksan ang palikuran.
Bumuhos ang malakas na ulan hanggang sa
huminto ito, pero di nito napansin na nakabalik ang biktima.
Kaya pinuntahan ng guwardiya ang lock up
cell pero sarado pa rin ito kaya tiningnan na nito ang palikuran na pinasukan
ni Lupon at doon na nakalambitin ang patay na katawan ng inmate.
Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon at isailalim sa autopsiya ang
bangkay ng biktima upang alamin kung may foul play sa pagkamatay nito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento