Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Punong Brgy. ng Pisan, patay matapos atakehin sa puso

(Kabacan, Cotabato/ August 18, 2014) ---Pagdadalamhati ngayon ang nararamdaman ng mga kapamilya at kaibigan ni Brgy. Kapitan Armando Peralta ng Brgy. Pisan, Kabacan, Cotabato makaraang pumanaw na ito dahil sa atake sa puso Biyernes ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News sa kalihim ng Brgy. Pisan na si Corazon Antonio na nagdaramdam na umano ng kumplikasiyon ang opisyal.


Si Kapitan Peralta ay nagsilbi sa brgy. Pisan ng walong buwan lamang matapos itong mailuklok sa pwesto noong nakaraang pambarangay na Halalan.

Pumanaw ang punong barangay sa edad na 72 taong gulang.

Isang mabait at magaling sa pamamahala sa brgy. ang opsiyal, kaya maituturing na malaking kawalan sa mga taga-brangay Pisan ang pagkawala ni Kapitan Peralta.

Si Kapitan Peralta ay ipinanganak sa Pasubin, Ilocos Norte pero dito na ito sa Kabacan nagkapamilya hanggang sa nailuklok bilang punong barangay. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento