Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 Sundalo, 4 na iba pa sugatan sa malakas na pagsabog ng IED sa Cotabato City

(Cotabato City/ August 20, 2014) ---Binulabog ng malakas na pagsabog ng Improvised Explosive Device o IED na gawa sa 60 millimeter mortar sa panulukan Makakua Street at Almonte Extension Cotabato city kagabi.

Sa ulat  ni City PNP Dir. Police Sr. Supt. Rolen Balquin na tatlo katao ang sugatan sa naturang pagsabog.

Isa sa mga sugatan ay ang sundalo ng 5th Infantry Special Forces Battalion na si Private Jun Bambao habang ang dalawa pa sa mga nasugatan ay pawang mga sidewalk vendor.

Nabatid na hindi naman grabe ang tinamong sugat ng mga tinamaan ng shrapnel mula sa naturang bomba.

Nangyari ang pagsabog pasado alas otso kagabi habang nagpapatrolya ang mga pulis at sundalo sa lugar.

Ayon kay Balquin, ang naturang pampasabog ay itinanim sa isang nakaparadang brown Wrangler Jeep na may licensed plate MFC 443 at pagmamay-ari ng isang Ismael Abdullah, dating guro ng Mindanao State University at konektado ngayon sa Sajehatra Peace Force.

Samantala, tiniyak naman ni Balquin na wala namang dapat ika-alarma ang mga mamamayan ng lungsod gayun paman di pa rin isinasantabi ng mga otoridad na kagagawan ito ng tiruresmo sa lugar.

Una na ring nakakatanggap ng banta ang PNP ng serye ng pambobomba sa lungsod bago nangyari ang insidente.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga otoridad ang tunay na motibo sa naturang pagpapasabog. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento