Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagsasa-ayos ng mga lubak-lubak na kalsada sa bayan ng Kabacan, prayoridad ng punong ehekutibo

(Kabacan, North Cotabato/ August 21, 2014) ---Prayoridad ngayon ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. ang pag-sasa-ayos ng mga lubak-lubak na daanan sa bayan ng Kabacan.

Ito ang sinabi ng opisyal sa DXVL News kahapon matapos na mainterbyu kaugnay sa mga reklamo ng ating mga ka-unlad hinggil sa mga di pa naayos na daanan at kalsada sa bayan ng Kabacan.

Una nang nagreklamo sa DXVL ang isang senior citizen ng Plang Village matapos na mauntog dahil sa di maayos na daanan sa Plang Village, maliban pa sa reklamo din sa Villanueva Subdivision at baha kagabi sa Purok Masagana, Roxas St., at sa iba pang lugar sa Poblacion.

Ayon sa alkalde, hindi rin nakaligtas sa tubig baha ang kanilang bahay at maging ang bahay ng kanyang ama na si Councilor Herlo Guzman Sr., ay binaha din kagabi makaraang bumuhos ang malakas na ulan kahapon ng hapon.

Aniya, matapos ang fiesta kungsaan abala ang lahat ay kanya namang tutugunan itong mga rekalamo sa kalsada at ang inaayos na comprehensive drainage system.

Umikot na rin ang punong ehekutibo sa mga lugar sa Poblacion ng Kabacan na kanilang lalagyan ng graba, pero dahil sa masungit na panahon ay di pa ito nagawa sa ngayon.


Samantala, binisita naman kahapon ni Mayor Guzman ang kapamilya at kamag-anak ng namayapang si Kapitan Armando Peralta ng barangay Pisan kasama si Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento