(North Cotabato/ August 22, 2014) ---Aasahan
na ang magandang serbisyo ng tubig sa ilang barangay sa Kidapawan City at bayan
ng Makilala matapos na pinasinayaan ang dalawang naglalakihang modular steel
tank ng Metro Kidapawan Water District o MKWD kahapon.
Ayon kay MKWD general manager Stella
Gonzales, abot sa P19 million ang halaga ng naturang mga proyekto kungsaan ito
ay matatagpuan sa Barangay Magsaysay, Kidapawan City at Barangay Saguing sa
bayan ng Makilala.
Kapwa may laman na abot sa 300-cubic meter o
750 drum ng tubig ang naturang mga tangke.
Ang pondo na ginamit para dito ay mula sa
P250-million na utang ng water district sa Local Water Utilities Administration
o LWUA.
Ngayong fully operational na ang mga modular
steel tank, masisiguro ang tuluy-tuloy na suplay ng tubig sa mga barangay ng
Magsaysay, Kalaisan, Sumbac, Junction, at Singao sa Kidapawan City at sa mga
barangay ng Saguing, Libertad, at Jose Rizal sa Makilala. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento