(Kabacan, North Cotabato/ September
1, 2014) ---Abot sa sampung mga barangay sa bayan ng Kabacan ang nalubog sa
tubig baha nitong nakaraang araw matapos ang sunod-sunod na pagbuhos ng ulan sa
bayan at mga karatig na lugar.
Ito ang kinumpirma ng
tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa panayam ng DXVL
News kahapon.
Kabilang sa mga naapektuhan ng
pagbabaha ay ang barangay ng Kayaga, Magatos, Kilagasan, Cuyapon, Lower Paatan,
Nangaan, Pedtad, Salapungan at Poblacion.
Ayon kay Kabacan Quick Response
Team Latip Akmad na nakapagtala sila ng humugit kumulang sa dalawang libung
pamilya ang naapektuhan habang patuloy naman ang ginagawang beripikasyon ng
Municipal Agriculture Office ng Kabacan sa mga naiwang pinsala sa pananim
kagaya ng palay, mais at iba pa.
Kaugnay nito nakapamigay naman
ng abot sa 70 na family packs ang LGU Kabacan sa mga naapektuhan ng armed
conflict sa brgy. Pedtad.
Samantala, sinabi naman ni
MDRRMC Head David Don Saure na hanggang nitong Sabado ay hindi pa nakabalik sa
kanilang mga tirahan ang abot sa anim na pung mga pamilya na nagsilikas dahil
sa takot na madamay sa girian sa lugar.
Lumikas ang naturang bilang ng
pamilya matapos na mamataan sa kanilang lugar ang ilang armadong grupo.
Sinabi ni Saure na ang
naturang grupo ay may kinalaman sa anggulong rido hinggil sa nangyaring
pagbaril sa isang magsasaka sa USM compound noong Agosto a-12 partikular sa
harap ng USM Hospital.
Kinilala ang biktima na si
Haron Adil Kasan kungsaan nahuli naman ng Kabacan PNP ang tatlo katao na
responsable sa naturang pamamaril. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento