(Antipas, Cotabato/ September 4, 2014) --- Kusang
nagpasalubong kay kamatayan ang isang 30-anyos na lalaki makaraang magbigti
matapos na kalasan ng kanyang live-in partner sa inuukupahang bahay nito sa Brgy.
Poblacion, Antipas, Cotabato alas 4:20 kahapon ng hapon.
Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng
Antipas PNP ang biktima na si Noel Salamanca, 30-anyos residente ng nabanggit
na lugar.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat nakita pa
ang biktima na lango sa alak nitong Martes ng gabi matapos na iwanan umano ng
kanyang live-in partnet na kinilala sa pangalang Jen-jen na residente ng
Malaybalay, Bukidnon.
Laking gulat na lamang ng kanyang kapatid na
si William ng makitang nakalambitin na ang biktima sa loob ng kanyang silid alas
3:30 kahapon ng hapon ng pumasok na ito sa kwarto ng biktima.
Ginamit ni Noel ang nylon na nakapulopot sa
kanyang leeg na ginamit nito sa pagpapatiwakal.
Posibleng personal na problema sa buhay at
pag-ibig kaya naisipang kitlin ng biktima ang buhay nito sa pamamagitan ng pag-suicide.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento