Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sunod-sunod na holdapan sa Kidapawan City, ikinaaalarma na; CCTV, ikinabit na rin sa mga pangunahing lugar sa lungsod para makatulong na makasugpo ng kriminalidad


(Kidapawan City/ September 3, 2014) ---Nagpalabas na ng deriktiba si Kidapawan city mayor Jospeh Evangelista sa mga kapulisan na tugisin ang mga nasa likod ng sunod-sunod na holdapan sa Kidapawan City.

Ito makaraang maalarma na ang ilang mga residente ng lungsod sa nasabing insidente.

Inatasan na rin ng punong ehekutibo ang kapulisan na alamin kung sino ang mga nasa likod ng sunod-sunod na holdapan sa lungsod at arestuhin ang mga ito.

Ayon kay Evangelista, may lead na ang kapulisan kaya pinamomonitor na nito ang galaw ng grupo.
Aniya, nananatiling handa ang City Government na ibigay ang anumang kakailanganin ng pulisya para mahuli ang mga holdaper.

Una nang naglagay ng Closed Circuit Television Cameras ang City Government sa National Highway na sakop ng lungsod para matulungan ang mga otoridad sa pagsugpo sa kriminalidad.

Naniniwala si Evangelista na hindi mga dayo o organisadong grupo ang nasa likod ng mga holdapan sa Kidapawan city dahil alam ng mga ito kung anong establisimyento ang pupuntriyahin. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento