Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga baril, bala at granada; nakuha sa 2 carnapper na naaresto ng Kabacan PNP

(KAbacan, Cotabato/ September 3, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang dalawang mga pinaniniwalaang carnappers makaraang maaresto sa isinagwang mobile checkpoint sa bisinidad ng brgy. Lower Paatan, Kabacan, Cotabato alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga naaresto na sina Dany Bansilan Alias Mustafa Macalnas, nasa tamang edad at residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao habang kinilala naman ang isa pang kasama nito na si Faisal Sambutol Bansilan, residente ng Plang Village, USM Compound, Poblacion, Kabacan.

Batay sa ulat, habang nagsasagawa ng pagpapatrol ang pinagsanib na pwersa ng kapulisan at mga elemento ng militar at Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT sa ilalim ng superbisyon ni PInsp. Romel Hitalia kanilang pinara ang kulay pulang Honda motorcycle wave lulan ng dalawa katao.

Habang nagsasagawa ng inspeksiyon ang mga kapulisan, biglang bumunot ng baril ang drayber na si Macalnas at nagpaputok ito dahilan para gumanti rin ng putok ang mga elemento ng kapulisan kaya natamaan ang suspek, liban pa sa pagkaka-aresto ng isa pa nitong angkas na si Faisal.

Narekober mula sa posisyon ng dalawang mga suspek ang kalibre .45 n pistol, M1911 na sinasabing pag-mamay-ari ng US Army batay sa serial number, isang piraso ng magazine ng kalibre .45 at mga bala..

Nakuha din sa U-box ng motor ang isang granada.

Agad naman itong tinurn-over sa EOD team para sa tamang pagkaka-ingat ng nasabing eksplosibo. Agad namang dinala ang sugatang suspek sa bahay pagamutan para mabigyan ng medikal na atensiyon habang kalaboso naman sa Kabacan PNP lock up cell ang isa pang suspek na naaresto.

Napag-alaman pa na ang mga suspek ay posibleng may kinalaman sa ilang mga nakawan ng motorsiklo at ilang mga krimen sa bayan makaraang ituro ng ilang mga saksi na ang dalawang mga nahuli ay mga salarin sa nagdaang mga krimen sa bayan.


Sa ngayon, inihahanda na ang karapatang kasong isasampa laban sa dalawang mga suspek, ayon pa Maribojo. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento