Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Malawakang immunization laban sa measles at polio inilungsad sa lalawigan ng Cotabato

By: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ September 5, 2014) ---Upang mapalakas pang lalo ang kampanya laban sa sakit na measles o German measles at polio, magkatuwang na inilungsad ng Dept. of Health o DOH at ng Integrated Provincial Health Office o IPHO ang Measles Rubella - Oral Polio Vaccine (MR-OPV) mass immunization ngayong araw sa Cotabato Province.

Ginanap ang launching ng MR-OPV mass immunization sa Matalam municipal gym kung saan binakunahan at binigyan ng measles at polio vaccine ang abot sa 150 na mga sanggol at maliliit na bata mula sa Poblacion at karatig pook ng naturang bayan.

Ayon kay Nedaiza Niñal, DOH Regional Expanded Program on Immunization Coordinator, layon ng launching na pababain ang bilang o kaso ng measles at polio sa bansa at gawin ang lahat upang maging measles and polio-free ang bansa.

Sinabi ni Niñal na noong 2011 unang inilungsad ang mass immunization ng DOH at naitala ang mababa o halos zero cases ng measles at polio sa bansa hanggang 2012.

Ngunit pagsapit ng 2013 hanggang sa kasalukuyan ay may mga naitalang outbreak ng measles at ilang mga kaso ng polio sa ilang bahagi ng bansa kung kaya’t muli na namang inilungsad ang malakawang kampanya ng DOH.

Ayon pa kay Niñal, nakapagtala ng magandang record na abot sa 92% mula sa kabuuang bilang ng mga bata sa Cotabato Province noong 2011 at ngayon nga ay nais pa itong lampas ng DOH at ng IPHO. 

Dumalo sa launching si Matalam Municipal Mayor Oscar M. Valdevieso na nanguna sa ceremonial immunization ng mga sanggol katuwang nina Board Member Airene Claire Pagal, Chair ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato Committee on Health, Provincial Administrator Van D.Cadungon at Matalam Municipal Health Officer Dr. Remia Guianan.

Suportado naman ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang hakbang na ito ng DOH.

Ayon sa kanya, ginagawa ng IPHO ang lahat ng makakaya upang mabakunahan at mabigyan ng panlaban sa sakit na measles at polio ang maraming mga bata sa lalawigan.

Kaya naman natutuwa raw siya sa muling paglulungsad ng DOH ng malakawang kampanya laban sa naturang mga karamdaman.

Dumalo rin at nakiisa sa launching ang mga Municipal Health Officers ng iba’t-ibang bayan at City Health Officer ng Kidapawan.

Matapos naman ang launching sa Matalam, inaasahan na magtutuloy-tuloy na ang immunization sa maraming mga health centers sa bawat barangay at mabibigyang proteksiyon na ang malaking bilang ng mga sanggol sa Lalawigan ng Cotabato. DXVL News (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento